top of page
7A4F197A-AE76-45FC-8086-B894373AE183.jpeg

REV. DR. EDUARDO S. SALES

CLD – District Superintendent

IMG_20221121_191300.jpg

Isang mabiyayang araw po sa ating lahat, lalong-lalo na sa ating mga Christmas Instituters ngayong 2022.

 

Nagisnan ko mula sa aking pagkabata na ako ay pumupunta sa Church. Kasama ko ang aking tatay, mga kapatid, at maging ang aking Lola at mga Auntie. Habang si Tatay ay nagtuturo ng Sunday School sa adult level, ako naman ay kaniyang ihinahatid sa Sunday school na itinuturo ng aming Diakonesa at volunteer Sunday school teacher.

 

Hanggang sa paglipas ng taon bilang isang kabataan, hindi ko namalayan na ako ay medyo nalihis o nanlamig sa pagiging aktibo sa pagpunta sa church dahil marami na akong mga napapansin sa kapaligiran lalong-lalo na sa mga kabaryo ko. Mayroong mga kagrupo, kakwentuhan, kalarong mga kaibigan, at maging mga pinsan na nanghihikayat na maglaro at mamasyal kahit araw ng linggo. Ngunit sa mga panahon ng pagiging inactive ko, parati pa rin akong pinapaalalahanan ng tatay ko na pumunta sa church tuwing araw ng Linggo.

 

Muling nasindihan ang alab ng aking pagiging active sa pagpunta sa church sa pamamagitan ng pag-attend at pagsali sa mga gawain nito. Pangunahin dito ay ang pagsali ko sa choir, fellowship, at sa pagsama ko sa pastor kapag ako ay pagkakataon kasama ng ilan sa mga miyembro sa mga worship services. At, hindi ko makalimutan na ang aming pastor ay pinag-lead ako ng prayer sa isang service. Ako’y muling naging active sa church hanggang ang aking kamalayan sa Dios at pamumuhay ng isang Kristiyano ay lumawak at nadagdagan sa pamamagitan ng pagdalo ko sa mga church youth activities and gatherings gaya ng mga Bible studies at fellowship. Ang pinakatanda ng aking pagiging kabataan sa patuloy na pag-alab ng aking pagiging active na miyembro ng church ay ang CHRISTMAS INSTITUTE. Sa pamamagitan nito, ang mga karanasan ng pagsamba, pakikipagkaibigan, pananalangin, pag-aaral ng salita ng Diyos ay aking naranasan. Aking nakilala nang lubos ang ating Panginoong Jesu Cristo, tinanggap siya bilang Panginoon at tagapagligtas, naunawaan ang Kristiyanong pananampalataya, at natutunang italaga ang buhay sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Ito ang siyang patuloy na saligan at pundasyon tungo sa pag-equip o pagsasanay at paghubog ng mga disipulo ng ating Panginoong Jesu Cristo para sa transpormasyon ng mundo.

 

Nawa ang tema natin sa ating Christmas Institute ngayong taon na “Paghilom: Panahon ng Paghinga” ay maging saligan ng ating matatag na pananampalataya at pananalig sa Diyos. Isang pagpapatibay at pagdiriwang sa kapangyarihan, presensiya, kabutihan, at psasalamat sa patuloy na biyaya ng Diyos sa kabila ng naranasang pandemya at mga bagyo ng buhay. 

Purihin at Pasalamatan ang Panginoon! Salamat sa ating mga magulang at mga mahal sa buhay. Salamat sa ating Iglesia, salamat sa ating mga Church workers, at salamat sa ating mga Layko. Mabuhay ang UMYF at ang lahat ng Christmas Instituters!

TO GOD BE THE GLORY! AMEN!

7A4F197A-AE76-45FC-8086-B894373AE183.jpeg

REV. SHALLIMAR F. DOMINGO

CLD – UMYFP Youth Coordinator

IMG_20221121_191435.jpg

Pagbati sa lahat ng mga kabataang metodista!

Ang CHRISTmas Institute ang pinakahihintay at pinaghahandaan ng mga kabataan, pastor, at mga layko sa ating distrito. Marami ang lumalim sa PAG-IBIG KAY KRISTO dahil sa pagdalo sa Christmas Institute. May mga buhay na nabago, may mga tinawag na magpastor at mag diyakonesa dahil sa pagdalo sa gawaing ito.

 

Nakaranas tayo ng pandemya sa mga nagdaang taon, ngunit tayo ang nagpatuloy. PADAYON.

S

a taong ito ang ating tema ay PAGHILOM: Panahon ng Paghinga. Panahon upang tayo ay maghilom sa ating mga naranasan sa pagdaan ng pandemya. Kay KRISTO tayong lahat ay makakaranas ng PAGHILOM. Maranasan nawa ninyo mga kabataang metodista ang PAG-IBIG NI KRISTO. Maranasan nawa ninyo mga kabataang metodista ang PAGHILOM.         

 

SI KRISTO HIGIT SA LAHAT! 🙏

7A4F197A-AE76-45FC-8086-B894373AE183.jpeg

DSS. JOVELIE R. ENCARNACION

CLD – UMYFP Youth Coordinator

IMG_20221121_191339.jpg

Pagbangon, Paghilom at Paghinga

Sa panahong hindi inaasahan.

Sa panahong tila hinanakit na lang ang nararamdaman.

Sa panahong tila luha ay dina mapunasan.

Sa panahong nalugmok at puro putik ang bumalot sa laman.

 

Sa panahong hindi muna alam kung para saan.

Sa panahong ang isip at puso ay tila mag kalaban.

Sa panahong pakiramdam mo ay hindi kana makakalaban.

Sa panahong susuko na at ayaw ng ilaban.

 

Sa panahong hindi muna maunawaan pag ikot ng mundo ikaw ay ginulungan.

Huminga ng marahan.

Umiyak kahit walang nakakaalam.

Piliting bumangon kahit pagapang.

 

Umusad ka kahit Ikaw ay nahihirapan.

Makikita mo sa huli Ikaw din ay makakawala sa kulungan.

Makakamatan din ang paghilom sa pusong nasugatan.

Makakadama din ang paghinga ang dibdib na napuno ng kabigatan.

7A4F197A-AE76-45FC-8086-B894373AE183.jpeg

OLIVER M. OLAR

CLD – UMYFP Executive President

IMG_20221121_190828.jpg

Isang maalab at mapagkandiling pagbati mahal kong CLD-UMYFP! Heto na ang pinakahihintay at pinakaabangan ng lahat, nagbalik na ang pinakamalaking programa nating mga kabataan ang Christmas Institute!

 

 “Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest." -Matthew 11:28

 

PAGHILOM: Panahon ng Paghinga, isang napapanahong tema na magsisilbing paalala sa atin kung ano ba ang kahalagahan ng kapahingahan. Lahat tayo ay napapagod, nadadapa o nahihirapan subalit may paanyaya ang Panginoon. Isang imbitasyon ng katiyakan na sinuman ang nakararanas ng kapaguran, may kapahingaan at paghilom sa piling ng Panginoon. Tatandaan natin na hinding-hindi natin matatamo ang tunay na paghilom at kapahingahan kung hindi natin isusuko lahat sa Panginoon.

      

Sabay-sabay tayong babangon at hihilom sa dalawang taong hindi nagkasama-sama dahil sa pandemiyang sinubok tayo at nagbunga ng malaking epekto sa ating buhay, lalo’t higit sa ating pananampalataya. Gayunpaman, tayo man ay sinubok, ang "Amazing Grace" ng ating Panginoon ang nagligtas at umagapay sa atin.

 

Isang matagumpay na Christmas Institute 2022! Paghilom: Panahon ng Paghinga

bottom of page